Liham ng mga magulang para sa anak
Tuesday, February 5, 2008


Mahal kong anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng 'binge!' paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.

Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...

Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan


***oh my gosh. i almost cried when i finished reading this message a while ago. My classmate Krisna forwarded this message to me in friendster. :'C

All of us wanted to have the perfect parents. The kind of parents who agrees with everything we said. The one who will always allow us to go out with our friends and party till dawn. The kind of parents who will not stop us from doing stupid things that we want. but try to think, our parents also wished for a perfect child. A child who will never give them heartaches or a child who will always listen to what they say.

I wish everyone knows that everything not to mention the yells and all those things that our parents always tell us was for our own good.

*sigh* Mama, Papa.. sorry if im not the perfect child that you were wishing. Im sorry for all the heartaches that ive gave you before. Im sorry for not listening to you most of the times. Thanks for being patient and understanding. Thank you for loving me. I LOVE YOU MAMA AND PAPA.


2 Comments

2 Comments:
At February 6, 2008 at 9:36 AM , Anonymous Anonymous said...

wah nakakaiyak. your parents are really blessed to have you for a daughter.

 
At February 6, 2008 at 8:37 PM , Blogger Claui said...

siguro nga pero mejo pasaway aq eh. hihi. tnx kimmi. c:

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home


  Rules
Before anything else, PLEASE read:

• Everyone is allowed to leave tags and comments
• I accept link exchange *ü
• Strictly no foul words on the tagboard
• Harsh comments are not allowed here, bite me if you want.
• Strictly no STEALING!
• If you dont like the contents and other things here, just GET OUT!

  The Girl

Sarah / Claui
twenteen..


♥ Loves:
HEARTNESS PINK.  Purple.  Spongebob.  Chocolates.  DANCING.  Daydreaming.  Shopping.  Pictorials. 

  Get me
FRIENDSTER
MULITPLY
FACEBOOK
YM

  Links
Our church:
Blue Ridge Bible Baptist church

best classmates ever:
iv agoncillo

COMRADES
Ana.  Apple.  Bianca.  Chelsea.  Cyrine.  Dana.  Donna.  Erika.  Heather.  Irel.  Ivy.  Johanna.  kim.  krisha.  Maren.  Maurie.  Nikki.  Pauline.  Racelaela  Sasa.  Tynz. 

JOINED
CandyMag.  CandyFaces.

CELEB BLOGMATES
Ala Paredes.
Bianca Gonzales.
Chris Tiu.
KC Concepcion.
Lucky Manzano.
Mikee Lee.
Saab Magalona.

  Tagboard


Free shoutbox @ ShoutMix

  Blog Rewind
Previous Posts
  • Dreams come true
  • Happy 2008
  • start of something new
  • The Covergirl
  • Random things that people don't know about me
  • CITE day
  • Missing Highschool
  • Confessions of an ugly duckling
  • whew ♥
  • New blog..

  •   Blog Statistics
    ♥  hits
    ♥  online users.

    LAYOUT: Claui @ 09-23-07
    POSTS & CODINGS: Claui
    IMAGE HOSTING: Photobucket
    TAGBOARD: Shoutmix
    BRUSHES: Photoshoproadmap

           Powered by Blogger

    Page best viewed in internet explorer.